Ligtas na nakauwi ang lahat na 48 na pasahero at pitong crew ng barko, matapos sumadsad at tumaob ito sa karagatan sa ng Cordova, Cebu kamakalawa.

Sa sinabi Philippine Navy na nasa 48 ang kabuuang pasahero nang nasabing barko kung saan 34 lalaki at 14 babae, kabilang ang isang buntis at pitong bata at pitong crew ng barko ang nailigtas sa lumubog sa M/V Cruiser Sam.

Ang barko ay galing ng Pasil, Cebu pero nagkaroon ng aberya sa bahagi na ng Bohol.

Sinabi ni Lt. James Reyes, ang Philippine Navy Central Command ang siyang naghatid sa mga nasagip na pasahero sa Pier 1 sa Cebu City.

Romualdez, nanawagan sa Kamara: 'Let us reject baseless accusations!'

Mula sa Cebu ay inihatid na ang mga pasahero papunta naman sa Bohol sakay naman sa ibang motorized banca.

Napag-alaman na dahil sa malalakas na hampas ng alon ay sumadsad ang nasabing bangka hanggang sa magkabutas ito at pasukin ng tubig at lumubog.

Ayon kay Navy Public Information Officer Lt. Commander Marineth Domingo, kaagad na nagpadala ng mga rubber boat ang Navy para magsagawa ng search and rescue operation.

Sinabi ni Domingo na sa unang bugso ng Navy search-and-rescue operation nasa 17 pasahero ang agad ang na-rescue at dakong 8:00 kagabi nasa 14 karagdagang pasahero ang nasa kustodiya na nila.

Inihayag ni Domingo na agad na isinailalim sa medical examination ang mga nailigtas na pasahero ng mga medical team ng Naval Forces Central Command.