ISTANBUL (AFP) – Halos 50 Turkish na binihag ng Islamic State sa hilagang Iraq sa nakalipas na mahigit tatlong buwan ang pinalaya at ibiniyahe pabalik sa Turkey, sinabi kahapon ni Turkish Prime Minister Ahmet Davutoglu.

“Early in the morning our citizens were handed over to us and we brought them back into our country. At 5:00 am (0200 GMT) they entered the country,” sinabi ni Davutoglu sa mga mamamahayag nang bumisita siya sa Azerbaijan, idinagdag na lahat ng ito ay maayos ang lagay.

Dinukot ng mga jihadist ng IS ang 49 na Turk, kabilang ang mga diplomat, bata at sundalo mula sa Turkish consulate sa Mosul noong Hulyo 11 habang kinukubkob ang ilang lugar sa hilagang Iraq.
National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza