Umapaw na ang La Mesa Dam sa Quezon City dahil na rin sa walang tigil na ulan dala ng hanging habagat na pinaigting ng bagyong “Mario”.

Sa inilabas na pahayag ng Hydrometrological Division ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), umabot na sa 80.17 metro ang level ng tubig ng nasabing water reservoir.

Ayon sa PAGASA, naabot na ng tubig ang spilling level nito na 80.15 metro.

Inalerto na rin ng pamahalaan ang mga residente na maaaring maapektuhan ng baha mula sa pag-apaw ng dam.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Kabilang sa nasabing mga lugar ang Tullahan river sa Quezon City, North Fairview, Novaliches at CAMANAVA areas (Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela).