INCHEON– Naglakad si Divine Wally mula sa kanyang kuwarto, nakalugay ang kanyang buhok.

Kagigising lamang niya at laking gulat na lamang nang masorpresa sa presensiya ng mga bisita. Agad niyang inayos ang kanyang buhok bago ito umupo sa silya para sa interview.

Patuloy na dumadagsa ang mga atleta na mula sa 45 mga bansa sa napakalawak na Athletes’ Village.

Sa Building 603 kung saan ay nakatira ang national delegation, karamihan sa apartment units ang nanatiling ‘di okupado kung saan ay tanging 60 sa 150 athletes ang nakatira.

National

PNP, nakasamsam ng tinatayang <b>₱20B halaga ng ilegal na droga sa buong 2024</b>

Hindi sa Apartment 804 na ang mga miyembro ng wushu squad ang naninirahan para sa duration ng kanilang events.

Tila ‘di komportable ang 19-anyos na si Divine sa nasabing interview. Halos natatakpan ng kanyang mga kamay ang mukha. Ang tanging pagngiti nito ay nang humantong ang pagtatanong tungkol sa kanyang love life. Subalit single si Divine at nais nitong manatiling nasa ganoong sitwasyon bagamt tumatanggap siya ng mga bisita.

Ang kanyang main concern sa kasalukuyan ay ang wushu na isa sa sinasabing pagkukunan ng ginto ng Pilipinas.

Si Divine ang pinakabunso sa walong magkakapatid na babae.

“My parents desperately wanted a boy, but stopped trying when I was born,” pahayag nito.

Lumaki ito sa Baguio at inilahad nito ang pagkakasangkot sa ilang gulo ng siya’y bata pa.

“Medyo boyish po ako nung bata,” pag-amin nito.

Napahanay sa martial arts, sinubukan ni Divine ang boxing at nagwagi ito ng bronze sa kanyang unang pagsubok sa Batang Pinoy. Edad 14 pa lamang siya noon.

Pinsan ng retired wushu star na si Eduard Folayang, tumalon si Divine sa Chinese form ng martial arts nang siya’y 17-anyos at agad naman nitong pinatunayan ang kakayahan ng kubrahin nito ang gold sa Batang Pinoy.

Napasakamay nito ang silver sa Asian Junior championships at pumangalawa sa nakaraang Southeast Asian Games sa Myanmar noong nakaraang taon. (Rey Bancod)