SYDNEY (Reuters)— Ibinunyag ng Intelligence “chatter” na binabalak ng mga militante na atakehin ang mga pulitikong Australian at mga gusali ng pamahalaan, sinabi ng prime minister noong Biyernes, isang araw matapos daan-daang pulis ang nagsagawa ng mga counter-terrorism operation.

Sinabi ni Prime Minister Tony Abbott na iniutos niyang palakasin ang seguridad sa Parliament House sa Canberra, sa harap ng tumitinding pagkabahala sa posibilidad ng mga pag-atake ng mga Australian na nabuyo ng mga militanteng Islamic State sa Iraq o Syria.

“There is chatter, there has been chatter, amongst these networks, of targeting government people. There is no doubt about that,” ani Abbott sa isang panayam ng Channel Nine television network ng Australia.
National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands