SOBRANG saya ni Jed Madela dahil kinuha siyang representative ng OPM sector bilang miyembro ng executive council sa National Committee on Music ng National Commission on Culture and the Arts (NCCA) at nagkaroon ng oath-taking noong Huwebes ng umaga. Take note, nag-iisang singer lang ang binata sa komite.

Jed MadelaBukod kay Jed ay tumutulong din si Sarah Geronimo sa NCCA bilang ambassadress.

"She's (Sarah) more of a face of the NCCA for music," say ni Jed. Ang magiging papel ni Jed bilang OPM representative sa NCCA ay maging tulay o hands on sa pagpaplano tungkol sa mga problemang kinakaharap ng music industry.

Paano siya napili ng NCCA?

National

Malacañang, iginiit na ‘di surveys batayan ng ‘effective public service’

"Sabi ng chairman (Felipe de Leon), one of the basis daw why they chose me was my involvement in propagating and promoting the Filipino talent," kuwento ni Jed. "Nasubaybayan daw nila ang career ko at kung ano ang nagawa ko sa music industry. Sa mga hindi nakakaalam, I started my journey as a proponent of the Filipino artist in 2005 sa WCOP A. After that, ang dami kong offers na natanggap sa States, but I chose to come back sa Pilipinas to continue my career."

Hindi itinanggi ng magaling na singer na dumaan siya sa depression dati, pero okay na siya ngayon.

"Honestly, I'm very happy with my career now. But a few months back, I started questioning myself. Ano na ba ang direksyon ni Jed Madela? Ganu' n. It was more of a personal feeling. Kasi I've done concerts, I've done albums, I've received awards, I've travelled the world. Hindi ko naman sinasabi na napakasikat ko. Pero for a while, nadepress din ako, na-burnout, parang feeling ko wala namang purpose ang lahat ng ito," paliwanag ni Jed.

Samantala, may part two ang kanyang By Request concert na gaganapin ulit sa Music Museum sa September 12.

"Hindi namin alam na papatok talaga dahil nu'ng una lam-laro lang hang gang sa nabuo ang concept. Nakakatuwa nga kasi most of the song na niri-requests same pa rin sa ratio Let It Go, All of Me, Boom Panes, 'tapos may mga bago kaming songs. 'Daming requests ngayon. Sabi ko nga kung pagbibigyan lahat ng request, tiyak five hours aabutin ang concert," nakangiting sabi ni Jed.

Isa sa special guests ni ya si Darren Espanto ng The Voice Kids na tinutulungan ni Jed bukod pa sa sinasabi ring sumusunod sa mga yapak niya.

"Sobrang flattered, kasi magaling naman talaga 'yung bata ever since na I heard him sing sa The Voice, gusto ko siya talaga, I'm a big supporter of him. Nakakatawa nga kasi trending 'yung Jed Madela loves Darren. Sabi ko, nakakataba ng puso kasi sometimes the fans, they won't allowed the artist to be tag to anybody, gusto nila 'yung artist na idol lang nila.

"This kid naman din naman deserves it kasi aside from the talent, ang bait ng batang ito, he's very respectful, I meet the family, magalang," papuri ni Jed sa batang singer.

May production number sila ni Darren bukod pa sa spot number ng bagets sa By Requests 2.