Niliwanag ni Philippine Archers National Network and Alliance Inc. (PANNA) president Federico Moreno na lehitimong gintong medalya ang iniuwi ng kanyang anak na si Luis Gabriel Moreno sa katatapos na 2nd Youth Olympic Games sa Nanjing, China.
Sinabi ni Moreno sa lingguhang Philippine Sportswriters Association (PSA) forum sa Shakey’s Malate na una nang isinagawa ang mixed international event, kung saan ay nagwagi ng ginto ang anak at kaparehang archer na mula sa China, sa unang YOG sa Singapore noong 2010.
“Mahirap kasi na makumpleto ang isang national olympic committee (NOC) kung kaya hindi maisagawa ang team event. So sa YOG, ang ginagawa nila is to pair the men according to their rankings with the women,” sinabi ni Moreno.
“They could not field any team dahil sobrang hirap ma-qualify so what they do is to have a female paired with the male according to their rankings,” paliwanag pa ni Moreno.
“In the case of Gab, he finished 30th place in the men’s recurve. His pair, Li Jiaman of China placed third in women’s division. Medyo maganda naman ang naging resulta because our archers able to win the gold,” sinabi pa ni Moreno.
Binalewala naman ng natatanging Olympic gold medalist na si Moreno ang pagdududa sa kanyang kinubrang gintong medalya.
Marami ang nagdududa sa medalya ni Moreno matapos na hindi nito naitala sa individual medal standing at nakasama lamang sa mixed NOC’s ranking kasama ang 12 pang ibang event. Hindi din pinatugtog ang pambansang awit ng Pilipinas na tradisyunal na Gawain sa tuwing nagwawagi ang isang atleta.
Samantala, nakatakdang gawaran ng Philippine Sports Commission (PSC) ng insentibo si Moreno sa gaganaping send-off ceremony sa Biyernes sa PhilSports Arena.