Upang mapigilan ang ordinaryong mamamayan na pumasok at magsugal sa mga casino, magpapataw ng P3,500 entrance fee sa bawat manlalaro.

Sinabi ni Misamis Oriental Rep. Peter Unabia na malaki ang maitutulong ng kanyang House Bill 4859 sa mga taong kulang sa pananalapi pero pumapasok sa casinos sa pagbabakasakaling manalo.

Sususugan ng panukala ang Presidential Decree No. 1869 o ang “Consolidating and Amending Presidential Decree Nos. 1067-A, 1067-B, 1067-C, 1399 And 1632, Relative to the Franchise and Powers of the Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).”

Aniya, walang isinasaad ang charter ng PAGCOR tungkol sa entrance fee para sa mga gustong maglaro sa casino. Gayunman, isinasaad ng Section 14 (3) (b) ng Presidential Decree 1869 na ang residente ay dapat magkaroon ng gross income na P50,000 sa nakaraang taon na sertipikado ng Bureau of Internal Revenue (BIR) para payagang makapaglaro sa casino.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

“In reality, however, this requirement is neither observed nor imposed,” ani Unabia.