TUGUEGARAO CITY, Cagayan - Sumuko ang isang 24-anyos na kasapi ng New People’s Army (NPA) na kabilang sa grupong umako sa pagpatay noong Abril kay Gonzaga Mayor Carlito Pentecostes Jr.

Halos limang buwan na nagtago sa awtoridad si Nicky Delos Santos, ng Barangay Cumao, Gattaran, Cagayan bago sumuko kasama ang kanyang ama na si Rudy Delos Santos.

Sa ulat kay Cagayan Valley Regional Police Director Chief Supt. Miguel Laurel, si Nicky ay nagsilbi umanong medical at political officer sa Henry Abraham/Danilo Ben Command ng NPA na nag-o-operate sa hilaga-silangang Cagayan.

Matatandaang inihayag ni Esther Falcon, tagapagsalita ng nasabing grupo ng NPA, na sila ang responsable sa pamamaril kay Pentecostes habang isinasagawa ang flag ceremony sa harap ng city hall noong Abril 21, 2014. - Liezle Basa Iñigo

National

PISTON at Manibela, may transport strike ulit!