Hindi makalulusot sa mga progressive lawmaker ang plano ng pamahalaang Aquino na palawakin pa ang umano’y maanomalyang conditional cash transfer (CCT) program na dapat ay pinakikinabangan ng pinakamahihirap sa bansa.

Ayon sa grupo, isusulong nito ang pagbuwag sa panukalang P108.88-bilyon budget ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa 2015.

Hiniling nina Gabriela Party-list Rep. Luz Ilagan at Kabataan Party-list Rep. Terry Ridon sa gobyerno na itigil na ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) dahil bigo itong maiangat ang buhay ng mga maralita.

“We will push for its scrapping in the plenary,” sabi ni Ilagan.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Naniniwala ang mambabatas na pinagtitibay lang ng 4Ps ang kultura ng panlilimos sa hanay ng mahihirap.

Aniya, ang dapat iparating na tulong sa mahihirap ay pangkabuhayan na may dignidad at maaaring ipagpatuloy, hindi tulad ng pagbibigay ng “limos.”

Sinuportahan ni Ridon ang pahayag ng Ilagan na sa halip na ilaan ang P64.67 bilyon sa CCT program sa susunod na taon ay gamitin na lang ito sa mga mas makabuluhang proyekto sa edukasyon at reporma sa lupa.

Una nang inihayag ni House Minority Leader Rolando Zamora na palpak ang “dole- out” program sa pagpapabuti ng kalagayan sa buhay ng mga maralitang Pinoy.