Inaresto ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang dalawa sa pitong opisyal ng 100K Realty Development Corp. na sangkot umano sa maanomalyang pagbebenta ng condominium unit na dalawang beses nang naisangla, iniulat ng pulisya kahapon.

Kinilala ang mga naarestado na si Editha Peralta at isang kasamang alyas “Imelda ,” kapwa nasa hustong gulang at walang tiyak na tirahan sa Quezon City.

Base sa report ni Atty. Ferdinand Topacio, legal counsel ng tatlong biktima ng condo scam, malinaw na niloko umano ng developer ang lahat ng bumili ng kanilang property sa Kamias Road, Kamuning, Quezon City .

Nabatid pa kay Topacio na nakasanla sa bangko ang kinatitirikan ng gusali at nakasangla rin sa iba pang bangko ang walong-palapag ng gusali.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ayon kay Topacio, nagtaka siya kung paano nakalusot sa Housing and Land Use Regulatory Board (HLURB) at Housing Urban Development Coordination Council (HUDCC) ang modus ng 100K Realty na pagmamay-ari ng pamilya Peralta.

Una rito, nagpalabas ng warrant of arrest ang QCRTC Branch 191 laban sa pitong opisyal ng realty company dahil sa kasong syndicated estafa na inihain laban sa kanila. - Jun Fabon