KIANGAN, Ifugao - Idineklara ni Pangulong Benigno S. Aquino III ang Setyembre 2, Martes, bilang special holiday (non-working) bilang paggunita ng Ifugao sa ika-69 na anibersaryo ng pagsuko ni Japanese Imperial Army General Tomoyuki Yamashita sa Kiangan, Ifugao noong Setyembre 2, 1945, na nagtapos ng World War II sa dagat Pasipiko.

May temang “Sustaining Peace Thru Advocacy and Development”, para sa okasyon ay magsasagawa ng mga commemorative religious activity sa pinagsukuan ni Yamashita at maglilibot sa mga historical, cultural at eco-tourism site sa Kiangan.

May parada, wreath-laying ceremony, program proper at may magmamartsang banda naman kinabukasan. - Wilfredo Berganio

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho