Iminungkahi ni Senator Ralph Recto na ipamahagi na lang ang mga container van na nakaimbak sa pier at gawing bahay para sa mga nasalanta ng bagyo.

Bukod sa bahay, maaari rin daw gawing himpilan ng pulisya, silid-aralan, imbakan ng bigas, klinika at silid aklatan ang mga container van para mapakinabangan at nang lumuwag na rin ang mga bodega sa pier.

Aniya, maaaring bilhin o kumpiskahin ng gobyerno ang mga inabandonang container van at ipamahagi ang mga ito sa mga lokal na pamahalaan o kaya naman ay hingin ang tulong ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

“What TESDA and other agencies can do is follow the global trend in transforming the vans into offices or homes and even hotels,” ani Recto. - Leonel Abasola

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez