Ginulat ng CSB-La Salle Greenhills ang defending champion San Beda College (SBC), 70-59, sa pagpapatuloy ng second round ng NCAA Season 90 juniors basketball tournament kahapon sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.

Mula sa 20-22 pagkakaiwan sa first period, inagaw ng Greenies ang pamumno sa halftime, 37-36, matapos na ma-outscore ang Red Cubs, 17-14, sa pangunguna nina Ricci Rivero at Michael dela Cruz na nagtala ng pinagsamang 13 puntos.

Nalimitahan naman sa 4 puntos lamang sa second at third period, umiskor ng 11 puntos si John Gob sa final period upang tuluyang siguruhin ang panalo, ang kanilang ikaanim sa loob ng labindalawang laro.

Nanguna si Gob sa nasabing panalo ng Junior Blazers sa kanyang itinalang 25 puntos at personal best na 19 rebounds habang nag-ambag naman ang mga kakamping sina Rivero, Dela Cruz at Amadon San Juan ng 13, 12 at 11 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sa kabilang dako, namuno naman para sa Red Cubs na bumaba sa ikalawang puwesto hawak ang barahang 9-3 (panalo-talo), kasunod ng solo lider na Letran College (LC) Squires na may record na 9-2. Si Marc Diputado ay tumapos na may 14 puntos at tig-4 na rebounds at assists.