Huwag na kayong umasa na kakagat si Pangulong Aquino sa Ice Bucket Challenge kung saan sumalang ang ilang lider ng iba’t ibang bansa bilang bahagi ng isang global charity program.
Hindi kinagat ng Pangulo ang hamon para sa pangangalap ng pondo laban sa Amyotrophic Lateral Sclerosis (ALS) dahil may sipon siya.
“Huwag na muna nating pagusapan dahil una kong ibo-volunteersi (Assistant Secretary) Rey Marfil. Una kong icha-challenge palo ngayon may siphon ako medyo,” pabirong pahayag ng Pangulo sa panayam ng Bombo Radyo.
Ito ay sa kabila ng pagsabak ng opisyal ng gobyerno tulad ni Justice Secretary Leila De Lima at Finance Secretary Cesar Purisima sa Ice Bucket Challenge na may layuning mapalawak ang kaalaman sa ALS, na isang neuro-degenerative illness.
Bilang bahagi ng challenge, dapat magbuhos sa sarili ang isang indibidwal sa ulo ng isang balde na puno ng yelo o magbigay ng donasyon kung saan ang pondo ay gagamitin sa research ng ALS.
Una ring umatras si Presidential Spokesman Edwin Lacierda sa hamon dahil mayroon daw siyang iniindang sakit. Sa halip, nagbigay ng donasyon si Lacierda sa programa. - Genalyn D. Kabiling