Matapos ihayag na siya ay mayroong stage 4 lung cancer noong Hulyo, nagdeklara si Senator Miriam Defensor-Santiago nitong Miyerkules na handa siyang tumakbong pangulo sa 2016.

Sinabi ni Santiago sa isang pahayag na handa siyang tumakbo sa pinakamataas na posisyon sa bansa basta’t mayroon siyang “like-minded” supporters sa pangunguna ni Fr. Joaquin Bernas.

Ayon sa senador nakita ng mga doktor na lumiliit ang tumor sa kanyang kaliwang baga matapos ang ilang linggong intensive treatment at pinag-iisipan niya ngayon ang ilang “career options” dahil sa mabilis niyang paggaling sa cancer.

“I have licked cancer, and I’m actually thinking of several career options. By 2016, I will be disqualified by law to seek another term as senator,” sabi ni Santiago. “At present, my life projects include participation in the International Development Law Organization (IDLO) based in Rome, or writing books on foreign policy at the Wilson Center in Washington, D.C..”

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sa isang televised interview, pinayuhan ni Bernas si Pangulong Benigno Aquino III na kalimutan na ang charter change at “take a rest” at “give (senator) Miriam a chance.” Si Bernas ay tinitingalang awtoridad sa constitutional law, at naging miyembro ng 1986 Constitutional Convention. - Hannah Torregoza