Ni REMY UMEREZ

NAGING makabuluhan ang isang linggong selebrasyon ng birthday ni Ogie Alcasid sa Let’s Ask Pilipinas sa pagsali ng apat sa malalapit niyang kaibigan sa showbiz, sina Gelli de Belen, Earl Ignacio, Manny Castañeda at Michael V.

Nakaabot sa jackpot round si Michael V at ang premyo ay ibibigay niya sa kanyang kasambahay na si Rodelyn na ang pamilya ay isa sa mga nasalanta ng nakaraang bagyo. Nag-all-in si Michael sa halip na mag-wager.

Ang katanungan sa kanya: “Dito raw pasasakayin ni Mister ang kanyang biyenan kapag pumasyal sa Africa.” Ang mga pagpipiliang sagot ay rhinocerious, hippopotamus, anaconda at tigre.

National

PAOCC Usec. Cruz, inaming may lumapit sa kaniya para tulungan si Alice Guo

Pinili ni Michael V ang tigre, na siyang tamang sagot.

Madalas daw itong binabanggit ni Dolphy sa kanyang John En Marsha sitcom patungkol sa biyenan niyang Dely Atay-Atayan.

Halos maiyak si Michael sa pagkakapanalo ng jackpot at napakalaking tulong daw ito para sa kanilang kasambahay.

Touched din kami sa pagbating binitiwan ng butihing ina ni Ogie: “You are a gift not only the the family but for the nation as well sa pagpapalaganap ng Pilipino music at ipagpatuloy mo ang iyong misyon of giving laughter to everyone.”

Happy 47th birthday, Ogie.