Malayo pa ang eleksyon at abala si dating Senate President Manuel “Manny” Villar Jr., para pag-isipan ang alok na maging running-mate siya ni Vice President Jejomar Binay sa 2016 elections.

Ayon kay Senator Cynthia Villar, abala sa negosyo ang kayang asawa at masaya na ito sa kanyang ginagawa.

Si Villar ay tumakbong Presidente noong 2010 at pumangatlo sa nanalong si Pangulong Benigno Aquino III, kasunod ni Manila Mayor Joseph Estrada.

“Malayo pa ang halalan at abala ngayon ang kanyang kabiyak nasi dating Senador Manny Villar sa kanilang negosyo. “Manny is busy with our business. He is happy with what he is doing right now. 2016 is too far,” pahayag ng senadora.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nitong Miyerkoles itinalaga ni Binay si Cavite Governor Jonvic Remulla bilang kanyang tagapagsalita. Si Remulla ay may alyansa sa Nacionalista Party (NP) ng mga Villar.

Kasabay nito inihayag naman ni Sen. Miriam Defensor-Santiago na pinag-iisipan niyang tumakbo sa 2016 at ikinokonsidera si Villar bilang posibleng running mate. - Leonel Abasola