Pinasadsad ng University of the Philippines (UP) ang Far Eastern University (FEU), 4-1, para makumpleto ang seven-game sweep at makausad sa finals ng women’s division ng UAAP Season 77 badminton tournament sa Rizal Memorial Badminton Hall.

Tumapos lamang na pangatlo noong nakaraang taon, ang Lady Maroons ay may taglay ngayong “thrice–to-beat” incentive kontra sa kanilang makakatunggali sa magwawagi sa idaraos na stepladder semifinals.

Nakapuwersa naman ang De La Salle ng playoff sa defending champion Ateneo para sa No. 2 spot patungo sa stepladder semifinals matapos nilang talunin ang huli, 3-2.

Nakaiwas naman sa maagang eliminasyon ang University of Santo Tomas (UST) matapos manaig sa University of the East (UE), 3-2.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Dahil sa panalo, tumabla sila sa Lady Tamaraws sa ikaapat na puwesto na hawak ang barahang 4-3 at nakapuwersa ng playoff para sa huling semis berth.

Ang magwawagi sa kanila ay makakaharap ng matatalo sa playoff ng Ateneo-La Salle sa simula ng stepladder semis.

Sa men’s division, tinalo ng National University (NU) ang defending men’s champion Ateneo, 3-2, para din makamit ang outright Finals berth.

Nakabalik naman mula sa natamong shutout loss sa NU ang De La Salle matapos walisin din ang UE, 5-0, para tumapos na ikalawa na hawak ang 6-1 marka.

Dahil dito, taglay ngayon ng Green Archers ang bentaheng twice-to-beat sa kanilang makakasagupa sa stepladder semifinals.

Nanaig naman ang UE kontra sa UST, 4-1, sa kanilang do-or-die match para sa huling semis berth.

Nagtapos naman na may barahang 5-2, nasa ikatlong puwesto ang Ateneo at sila ang haharap sa Fighting Maroons sa unang laro sa stepladder semis.