BAGUIO CITY – Nabulabog ang may 2,500 estudyante, guro at empleyado ng University of the Philippines (UP)-Baguio dahil sa isang bomb threat kahapon ng umaga.

Ayon kay UP Chancellor Reymundo Rovillos, dakong 8:55 ng umaga nang nakatanggap siya ng forwarded text message mula kay Vice Chancellor Dr. Wilfredo Alangi, na nasa Cebu ngayon, na nagsasabing may itinanim na bomba sa isang building sa campus.

Negatibo ang bomb threat at agad na sinuspinde ang klase, habang patuloy ang imbestigasyon ng pulisya.

Ito ang ikaapat na bomb threat na Baguio simula noong Enero; ang una ay sa Camp John Hay at dalawang beses naman sa University of the Cordilleras. - Rizaldy Comanda

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon