Palayo na ng Philippine area of responsibility (PAR) ang namataang low pressure area (LPA) sa Luzon.

Sa inilabas na weather advisory ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), huli itong namataan sa layong 250 kilometro sa kanluran ng Baguio City o sa West Philippine Sea.

Sinabi ng PAGASA na sa kabila nito, magkakaroon pa rin ng maulap na papawirin ang ilang bahagi ng ating bansa. Malaki rin posibilidad na magkaroon ng biglaang ulan bunsod ng thunderstorm.

Sa CARAGA at Davao sa Mindanao, may namataan ding kumpol ng ulap na maaaring magdala ng makulimlim na panahon at bahagyang pag-ulan.
National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists