BEIRUT (Reuters)— Pinagpapatay ng mga miltanteng Islamic State ang mga sundalo ng Syrian army at ginawang hostage ang isa pang grupo ng mga ito matapos makubkobang isang air base sa northeast Syria nitong weekend, ipinakita ng mga litratong ipinaskil sa Internet at sa Twitter ng kanilang mga tagasuporta noong Miyerkules.

Nilusob ng Islamic State, isang offshoot ng al Qaeda, ang Tabqa air base malapit sa Raqqa City noong Linggo matapos ang ilang araw na pakikipagbakbakan sa army na ikinamatay ng 500 katao, ayon sa monitoring group na Syrian Observatory for Human Rights.

Ang Tabqa ay ang huling kuta na hawak ng mga army sa lugar na kontrolado ng mga militante, na sinakop ang malaking bahagi ng Syria at Iraq. Nagsagawa ang United States ng air strikes sa grupo sa Iraq at pinag-aaralan ang mga option nito sa Syria.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente