Agosto 28, 1859, isang matingkad at makulay na Aurora Borealis ang nasilayan sa ilang bahagi ng United States, Europe, at Asia. Ang phenomenon ay sanhi ng geomagnetic storm na tinatawag na “Carrington event,” na ipinangalan kay Richard Carrington, ang astronomer na nakadiskubre rito.
Makalipas ang apat na araw, napansin ni Carrington ang dalawang patch ng napakatingakad at puting ilaw. Kasunod nito ay naapektuhan ang mga telegraph communication sa buong mundo. May mga ulat na ang telegraph machines ay nagkaroon ng sparks na ikinagimbal ng mga operator at nasunog ang ilang papeles. Nang gabing iyon, maraming tao ang nagsimula nang gawin ang kanilang mga pang-araw-araw na trabaho, at umawit ang mga ibon sa pag-aakalang sumisikat na ang araw.
Ang Aurora Borealis, o “northern lights,” ay isang phenomenon na dulot ng pagbanggaan ng gaseous particles sa atmosphere ng Earth at charged particles na mula sa araw.