TUGUEGARAO CITY, Cagayan - Nanawagan kahapon ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR)-Region 2 sa lahat ng mangingisda na gumagamit ng electro-fishing gadgets na isuko na ang nasabing mga ilegal na gamit at huwag nang hintayin na sila ay mahuli, pagmultahin o ikulong.

Ayon kay Arsenio Banares, hepe ng Fisheries Regulatory and Quarantine Division ng BFAR-Region 2, mahigpit na ipinagbabawal sa Section 88 ng RA 8550 (Philippine Fisheries Code of 1998) ang pangunguryente, paggamit ng pasabog gaya ng dinamita, at paggamit ng anumang nakapipinsala o nakakalasong bagay sa pangingisda.

Sinabi ni Banares na ang mga lalabag ay maaaring makulong ng hanggang 10 taon depende sa pagkakasala. - Wilfredo Berganio

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon