DUBAI (AFP) – Ang air strikes ng UAE sa Libya sa layuning pigilan ang Islamists na makontrol ang bansang bibabagabag ng karahasan ay nagpapaabot ng mensahe sa Washington na kaya nitong protektahan ng kanyang sariling interests, ayon sa mga eksperto.

Sinabi ng mga opisyal ng United States na palihim na binomba ng warplanes ng United Arab Emirates ang Islamist militia targets sa Libya mula sa kanyang mga bnase sa Egypt noong nakaraang lingo, ngunit hindi ito hayagang inamin ng Abu Dhabi. Noong Martes, itinanggi ng Egypt na mayroon itong anumang “direct” role sa mga raid.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget