Sa maulang mga buwan, hindi lamang kaakibat ang mga sakit, naghahatid din ito ng mga panganib sa buhay at ari-arian. araw-araw, may mga ulat ng mga bahay na nagiba, mga aksidente dahil sa madulas na kalye, at marami ring motorista ang naaaksidente. Narito ang isang tip upang makaiwas sa sakuna at manatiling ligtas sa bahay at sa lansangan sa tag-ulan:

Sa bahay, suriing mabuti ang mga haligi at dingding at tiyakin na matibay ang mga ito. Gayundin sa mga bintana upang hindi ito gumalabong dahil sa malalakas na hangin at hindi tumagas ang tubig-ulan. Suriin din ang bubong. Hanggang malayo pa ang tag-ulan, mainam na kumpunihin o tapalan o palitan na ang bubong. Maaari ring maging madulas ang mga nilalakaran tulad ng mga pinto, pasilyo, garahe kapag napasukan ng tubig-ulan. Kumapit sa matitibay na makakapitan habang naglalakad sa basang hagdan o kalye.

Bago maglakbay sa kalye, tiyakin ang kondisyon ng iyong sasakyan. Suriin ang mga gulong, wiper blades nang matiyak na gumagana ito nang maayos. Kapag nagmamaneho sa habang umuulan, manatili sa itinakdang speed limit o mas mabagal pa kung maaari sapagkat tiyak na madulas ang mga lansangan. Iwasan din ang mga distraksiyon tulad ng paggamit ng cellphone at iba pang gadget habang nagmamaneho. Panatilihing nakatingin sa daan at ang mga kamay sa manibela sa lahat ng oras.

Galangin ang mga barikada sa daan; huwag nang ikutan ang mga iyon sapagkat inilatag ang mga iyon para sa kaligtasan ng mga motorista. Huwag na ring tangkaing ilusong ang sasakyan sa baha dahil malamang na tumirik iyon sa gitna ng malalim na tubig. Kung napapansin mo nang tumataas na ang baha kung saan nakatirik ang iyong sasakyan, mas mainam na abandonahin mo na ang iyong behikulo at agad na lumikas. Kung hindi naman maiiwasang lumabas ng tahanan upang pumasok sa eskuwela o trabaho, laging magdala ng payong o kapote. Magsuot din ng bota upang makaiwas sa mga sakit na dulot ng baha. Kung wala ka namang lakad na mahalaga, huwag nang lumabas ng bahay.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Laging tandaan na ang pag-iwas at pagiging alerto ay hindi naihihiwalay sa isa’t isa, at ang mga ito rin ang pinakamainam na paraan upang matiyak ang iyong kaligtasan, lalo na sa tag-ulan.