Ikinababahala ng isang lider ng Simbahang Katoliko ang ulat na ilang Pinoy mula Mindanao ang kasalukuyang sumasailalim sa training kasama ang mga Islamic State (IS) terrorist sa Iraq at Syria.

Partikular na nangangamba si Basilan Bishop Martin Jumoad sa epekto ng balita sa mga Kristiyano sa katimugang bahagi ng bansa.

“The worry is there and it will be heightened when it is done here in Mindanao,” pahayag ni Jumoad sa panayam.

“There is reason to be worried and the possibility is real,” dagdag niya.

National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Una nang inihayag ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte na ilang taga-Davao ang umalis patungong Iraq at Syria upang sumama sa IS.

Maging si dating Pangulong Fidel V. Ramos ay nakatanggap ng impormasyon na may 100 Pinoy ang sumasailalim sa pagsasanay sa dalawang bansa hinggil sa operasyong terorista. - Leslie Ann G. Aquino