Umabot sa 141 kolorum na sasakyan ang nahuli ng mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa nakalipas na tatlong linggo.

Sa kabuuang bilang, sinabi ni Crisanto Saruka, pinuno ng MMDA Traffic Discipline Office, na 127 ang pampasaherong bus at 14 Asian Utility Vehicle o UV express van na bumibiyahe sa labas ng kanilang ruta o walang kaukulang prangkisa ang hinuli ng ahensiya.

Ang lahat ng nahuling sasakyan ay hinatak sa impounding area ng MMDA sa Tumana, Marikina City na halos puno na.

“Our plan is to expand because the impounding area is quite wide, we will just develop it,” pahayag ni Emerson Carlos, assistant general manager for operations.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ang dalawang-ektaryang impounding area sa Marikina ay may kapasidad lang na 500 sasakyan. Mahigit 400 impounded vehicle ang hindi tinutubos ng mga may-ari o operator nito.

Bukod sa multa, pagbabayarin din ng MMDA ng P80 kada araw na storage fee ang mga may-ari ng impounded na sasakyan. - Anna Liza Villas-Alavaren