Pansamantalang naantala ang operasyon ng Philippine National Railways (PNR) nang madiskaril ang isang tren nito sa Sta. Mesa, Maynila, kahapon ng umaga.

Sinabi ni PNR General Manager Engr. Joseph Allan Dilay na nangyari ang insidente dakong 9:22 ng umaga malapit sa panulukan ng Magsaysay Blvd. at Altura Street sa Sta. Mesa. Walang naiulat na nasugatan sa insidente, ayon kay Dilay.

Hanggang sa isinusulat ang balitang ito ay inaalam pa ng mga opisyal ng train system ang ugat ng pagkakadiskaril ng tren.

Subalit aminado si Dilay na sobrang luma na ang mga riles kaya mas malaki ang posibilidad na ito ang pinagmulan ng aberya sa biyahe ng tren.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

“We have already procured 1,000 rails that will be used to replace dilapidated rails from Tutuban in Manila to Alabang in Muntinlupa. This will only cover at least 20 kilometers of rail tracks,” ayon kay Dilay. - Kris Bayos