Kris Aquino

NASA labas kami noong Linggo ng hapon nang i-text kami ni Bossing DMB na panoorin namin ang The Buzz dahil may pasabog daw ang Queen of All Media na si Kris Aquino.

Kinailangan naming maghanap ng telebisyon para lang mapanood ang nasabing programa nina Kris, Toni Gonzaga, at Boy Abunda na nagpapagaling pa rin hanggang ngayon.

Nagpahayag kasi sa kanyang Instagram post si Kris na sasagutin niya si Quezon City Mayor Herbert Bautista na nagsalita tungkol sa mga lalaking naugnay sa kanya, at binanggit ang pangalan ni Derek Ramsay na malapit na kaibigan ngayon ng TV host. Kaya sa The Buzz, nagsabi si Kris ng, “I have a spokesperson, si Mayor Bautista. Gustung-gusto niyang mag-opinion para sa akin.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

“Ganito kasi kasimple ‘yun, eh. If you still talk about it or if you still talk about the person, ang ibig sabihin nu’n you still care about that person, ‘di ba? Pero kung hindi mo na siya pag-uusapan, hahayaan mo na lang, ibig sabihin nu’n nag-move on na siya.”

Dagdag sabi pa ni Kris, “But I’m proud to say I’ve moved on. Ako sinasabihan n’yo na madaldal, walang pribado. Nanahimik na ako, eh. Nag-move on na ako. Sana ‘yung ibang tao kayanin din gawin ‘yun dahil marami namang responsibilidad sa trabaho niya. Huwag na makialam sa buhay ko.”

Samantala, tinanggap ni Kris ang ALS Ice Bucket Challenge na ginawa niya nang live sa The Buzz at mismong anak na si Bimby kasama si Toni ang nagbuhos sa kanya ng nagyeyelong tubig. Bago binuhusan si Kris ay ini-nominate niya sina Anthony Taberna, Darla Sauler (headwriter ng Kris TV) at ‘asawang’ si Vice Ganda para gawin din ang Ice Bucket Challege.

Nag-donate rin si Kris ng $100 para sa fund ng may mga sakit na amyotrophic lateral sclerosis (ALS).