MAY nakatsikahan kaming katoto na nagkuwentong pinagsabihan niya ang isang aktor tungkol sa ugali nito na hindi gusto ng maraming entertainment press.

Umamin naman daw ang binata sa pagkakamali niya at nangakong babaguhin na ang ugali. Obserbasyon ng ilang katoto, bumabati naman ang aktor sa mga kakilala pero dedma talaga sa iba. Sa madaling salita, kailangang ipakilala uli ang aktor sa entertainment press para matandaan o makilala niya at mawala na ang ‘suplado o amnesia king’ image niya.

So okay na sana, Bossing DMB, at least alam na ni aktor ang mga mali niya in the past, pero habang tinitipa namin ang balitang ito ay nakatanggap kami ng tawag mula sa kaibigan naming nasa London at binanggit na nanggaling pala roon ang binatang aktor kasama ang ilang kapwa artista para sa series of shows.

Ang daming litanya ng kaibigan namin na kasama sa mga nag-produce ng shows roon kasama nga si Aktor.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

“Feeling guwapo, feeling almighty, feeling pinakasikat sa lahat, eh, helloooo, ‘yung sikat nga na kasama nila, panay ang bati sa lahat, panay ang ngiti at ‘pag nagpapapicture ang mga kasama namin, okay lang.

“Si _____ (aktor), wala, seryoso at hindi bumabati, hindi marunong ngumiti, siguro gusto niya bayaran siya kapag ngingiti siya. Hindi man lang siya sinasabihan ng kasama niya na bumati, pati ‘yung kasama rin niya seryoso,” kuwento ng aming kaibigan.

So, hindi pa rin talaga binago ng aktor ang ugali niya, hindi totoong babaguhin na niya. Sabagay, totoo naman talaga ang kasabihan na hinding-hindi mo mababago ang tunay na ugali ng tao, sisingaw talaga ito. Lalayo pa ba tayo, ang kamag-anak nga niyang nasa probinsiya hindi niya pinupuntahan kapag may shows sila roon, sa ibang tao pa kaya?

Kawawa naman ang aktor na ito, ang lakil-aki ng problema sa buhay maski na super rich na siya.