Agosto 25, 1989, naganap ang pinakamalapit na encounter ng Voyager 2 ng National Aeronautics and Space Administration’s (NASA) sa Neptune, kilala bilang gas giant, at ng buwan nito na Triton.

Ang Voyager 2 ay isang 722-kilogram space probe na inilunsad ng NASA noong Agosto 20, 1977 upang pagaralan ang outer Solar System at kalaunan ay ang interstellar space.

Ang Voyager 2 ng NASA ang naging unang spacecraft na inobserbahan ang planetang Neptune, ang kanyang huling planetary target. Dumaasn sa halos 4,950 kilometro (3,000 milya) sa ibabaw ng North Pole ng Neptune, ito ang pinakamalapit na approach ng Voyager 2 sa anumang planeta 12 taon matapos umalis sa Earth noong 1977. Makalipas ang limang oras, dumaan ang Voyager 2 sa halos 40,000 kilometro (25,000 milya) mula sa pinakamalaking buwan ng Neptune, ang Triton, ang

huling solid body na pinagaralan ng spacecraft .

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho