Humakot ang Pilipinas ng kabuuang 3 ginto, 1 pilak at 1 tanso sa unang araw pa lamang ng ginaganap na 78th Singapore Track and Field Open sa Choa Chu Kang Stadium.

Iniuwi ni Eric Chauwn Cray ang ginto sa Men’s 400m hurdles sa itinalang oras na 51.60 segundo upang biguin ang kapwa mula Malaysia na sia Muhammad Fir Musa (53.85) at Muhammad Mazalan (52.67) upang pagandahin ang paghahanda ng mga atleta sa nalalapit na pagsabak sa gaganapin na Asiad.

Wagi rin si Christopher Ulboc sa Men 3000m steeplechase open sa oras nitong 9:16.51 segundo. Ikalawa at ikatlo sina Ahmad Lut Hamizan ng Malaysia (9:34.22) at Parajuli Nabin mula sa Nanyang Polytechnic (9:59.26).

Pumangalawa naman ito sa Mens 4x400m relay sa nagkampeon na Korea (3:06.89). Itinala ng Pilipinas ang 3:11.67 upang talunin ang karibal sa Southeast Asia na Hong Kong (3:16.62).

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Iniuwi naman ng beteranong si Henry Dagmil ang tansong medalya sa Men’s long jump matapos agawan ang kakampi nito na si Benigno Marayag na tumapos na ikaapat matapos kapwa magtala ng 7.56m lundag.

Nagwagi sa event si Saleh, Alhaddad ng Kuwait (7.72m) kasunod si D.A.G.J.P, Wimalas ng Sri Lanka (7.67m). Itinala naman ni Dagmil ang mas malayong lundag sa 2nd best jump na 7.50m upang agawin ang tansong medalya kay Marayag na mayroon naman na 7.47m.

Si Ramil Cid naman ay nagkasya sa ikapitong puwesto sa men’s shotput sa inihagis nitong 11.57m.