GUSTO NAMIN SA IYO ● Laking panghihinayang nating mga Pinoy nang mapabalitang nagpahayag ang diva na si Celine Dione na hindi na niya itutuloy ang pagdaos ng kanyang konsiyerto sa Asia dahil sa pagkakasakit ng kanyang mister. Nais kasi ng superstar na nagpasikat ng “My Heart Will Go On” sa pelikulang Titanic, na ituon ang lahat ng kanyang oras at lakas sa paggalin ng kanyang mister at sa pag-aaruga ng kanyang mga anak sa mga panahong ito. Humingi rin siya ng paumanhing sa kanyang mga tagahanga at tagasuporta at nagpahayag ng pagmamahal sa kanila. Sa Nobyembre 29 nakatakda ang kanyang konsiyerto sa Manila ngunit iaanunsiyo pa kung itutuloy ito.

Kaabang-abang talaga ang pagtatanghal na ito ni Celine Dion na nakatitindig-balahibo ang bagting ng kanyang tinig lalo na sa matataas na rehistro ng mga nota. Kung gusto mong ma-entertain at makapag-relax, pakinggan mo ang mga awitin ni Celine. Dalangin natin na sana gumaling na ang kanyang mister at nang makarating siya sa Pilipinas sa Nobyembre. Si Celine ang isa siya sa pinakamagagandang nangyari sa industriya ng musika.

AYAW NAMIN SA IYO ● Parang pumait yata ang panlasa nila sa uri ng pagtatanghal ni Miley Cyrus. Hindi pinayagan ng mga opisyal ang sariwa at seksing-seksing singer na nagpasikat ng awiting “Wrecking Ball” na makapasok sa kanilang bansa. Kasalukuyang nagdaraos ng kanyang international Bangerz Tour si Miley at nakatakdang umawit sa Carribean ngunit ayon sa kanyang tagapamahala, kinansela ng mga pambansang opisyal ng Dominican Republic ang pagtatanghal ng 21-anyos na singer sa Setyembre 13. Pero bakit? Malaswa kasi. Well, ayon iyon sa mga opisyal na mataas ang pagpapahalaga sa moralidad. Masasabi ko rin na hindi magandang ehemplo sa kabataan na humahanga sa dating Disney talent na ito ang uri ng kanyang pagtatanghal. May mga audience kasi na pumapayag na duraan sila ng ininom na likido ni Miley habang nagtatanghal. Ayon pa nga sa isang ulat, hinimok pa niya ang kanyang concert-goers na maglasing at magdroga. At napaulat din na sa isang pagtatanghal, kailangang umakyat pa ng entablado ang kanyang assistant upang ayusin ang kanyang damit dahil nahuhubaran na ito sa pagkagalawgaw. Haaay… Ito ang isang palabas na hinding-hindi ko papayagang panoorin ng aking mga anak. Para sa mga Dominican Republic, napakagandang hakbang ito na ganilang ginawa. Parang sinabi nila kay Miley, “Ayaw namin sa iyo. Period.”
National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros