Ipinapanukala ang pag-aalis sa expiration period o pagkapaso ng mga hindi nagamit na prepaid call at text card at pagkumpiska sa load credits.

Sinabi ni Las Piñas City Rep. Mark Villar na kailangang maprotektahan ang mga consumer laban sa madaya, hindi makatwiran at anila’y masamang gawain ng mga telecommunication company (Telcos).

Ayon sa kanya, nagrereklamo ang mga consumer na hindi nila nakukuha ang buong halaga ng kanilang ibinayad sa serbisyo ng telcos dahil sa “vanishing loads and the setting of the expiration dates on the prepaid load,” ayon kay Villar.

Ang lalabag ay papatawan ng anim na taong pagkabilanggo at multang P1 milyon o pareho.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Tinatayang aabot sa 117 milyon ang mobile subscribers sa Pilipinas pagsapit ng 2016.