Hinimok ng liderato ng Kongreso si Pangulong Benigno S. Aquino III na suriin “meticulously” ang draft ng Bangsamoro Basic Law bago ito isumite sa mababang kapulungan bago matapos ang buwang ito, kasabay ng pangako na pag-aaralan nila “extensively” ang nasabing panukala upang matiyak na alinsunod ito sa Konstitusyon.
Inaasahan nina House Speaker Feliciano “Sonny” Belmonte Jr., Deputy Majority Leader at Citizens Battle Against Corruption (CIBAC) Party-list Rep. Sherwin Tugna at Iloilo Rep. Niel Tupas Jr., chairman ng House Committee on Justice, na “flawless” ang BBL na isusumite ng Ehekutibo kung ayaw nitong maakusahan ng paglabag sa batas.
“They should of course review it meticulously. We will do our best to pass it soonest,” sinabi ni Belmonte sa isang panayam, kasabay ng pagsisimula ni Pangulong Aquino sa kanyang “one final review” sa 20-30 porsiyento ng BBL draft.