Sinunog ng mga pinaghihinalaang rebeldeng komunista ang isang Cessna agricultural plane na nakaparada, may 300 metro ang layo sa isang police detachment sa Agusan del Norte, ayon sa militar.

Sinabi ni Maj. Gen. Ricardo Visaya, commander ng 4th Infantry Divisiion, na naganap ang insidente dakong 7:30 ng gabi noong Sabado sa Purok 4, Donya Rosario, Tubay, Agusan del Norte.

Suot ang uniporme ng pulis, sinunog ng limang armadong kalalakihan na sakay ng dalawang motorsiklo ang eroplano na pag-aari ng Philippine Agricultural Aviation Corporation (PAAC) na ginagamit sa pag-spray ng pesticide sa mga taniman ng saging.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Agad na tumakas ang mga suspek na pinaniniwalaang mga miyembro ng Sandatahang Platoon Pangpropaganda (SPP) 21C Guerilla Front 21 – North Eastern Mindanao Regional Committee (NEMRC). - Elena Aben