BANGUI (Reuters) - Patay ang 25 katao sa pagguho ng isang minahan ng ginto, may 60 kilometro (40 milya) sa bayan ng Bambari, Ahmat Negat, sa hilaga ng Central African Republic, sinabi ng tagapagsalita ng karamihan ay rebelde na Muslim Seleka.

Ang minahan sa Ndassima ay nasa magubat na burol sa hilaga ng military headquarters ng Seleka sa Bambari.

Halos 27 artisanal miner ang nabaon sa pagguho ng minahan noong Huwebes at 25 bangkay na ang narekober.

“Nobody from our service is on the ground to regulate the miners so they dig without any rules. Lower than three meters it gets dangerous and with rain there can be collapses,” ani Georges Yacinth-Oubaouba, senior official sa Ministry of Mines, sa Reuters.
National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!