Nag-family reunion kaming mag-anak kamakailan upang ipagdiwang ang ika-88 kaarawan ng aking ina. Sapagkat malaki ang aming mag-anak umupa kaming magkakapatid ng isang private pool. Sa di kalayuang bahagi ng pool, naroon ng isang giant slide. Nagkayayaan ang mga bata na gamitin iyon at nagpaalam sa pinakamatanda kong kapatid na tumatayong pinuno ng okasyon.

Noong una ay hindi pumayag ang ate ko dahil masyadong mataas ang slide, at mukha nang delikado ang umakyat pa lamang sa madulas na hagdan nito. Ngunit sa sabayang pangungulit ng mga bata, walang magawa ang ate ko kundi ang pumayag na lamang sa kabila ng kanyang pangamba. Aniya sa mga bata, “Kung saan kayo masaya, sige. Kasi naman, gusto rin niyang magbigay-kasiyahan sa mga magulang ng mga bata.

Kung minsan, ibinabase ng mga pulitiko ang kanilang pagdedesisyon sa panggigiit ng mayorya sa halip na sa prinsipyo ng kung ano ang tama at mali. May nabasa akong artikulo tungkol sa isang gobernador sa Amerika na naniniwalang mali ang abortion. Ngunit sinabi ng opisyal na ito na susupportahan niya kung ano ang nais ng mas nakararami.

Gayundin naman ang ginawa ni Poncio Pilato nang magdesisyon siya sa kaso ni Jesus. Kahit alam niyang walang ginawang mali si Jesus pati na ang kawalan ng katotohanan ng mga paratang sa Kanya, bumigay siya sa mga sigaw ng panawagan ng madla. Ayaw kasi niyang masira ang kanyang reputasyon.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Ang ilan sa atin ay mga halal ng bayan o itinalaga ng mas mataas na opisyal na kailangang magbigay-kasiyahan sa mayorya upang manatili siya sa puwesto. Gayunman, tayo rin naman ay sumasailaim sa ganoon ding panggigipit. Minsan, sumasang-ayon o napipilitan na lamang tayo sa maling gawain ng ating mga kaibigan dahil ayaw nating masabihang wala tayong pakikisama. Ngunit sa paghingi ng liwanag ng isipan mula sa Diyos, magkakaroon tayo ng lakas upang tanggihan ang pag-aanyaya ng ating mga kaibigan, kamag-anak, o kakilala sa masasamang gawain nila.

Panginoon, tulungan Mo po akong labanan ang panggigipit ng iba na magtutulak sa akin sa landas ng kasalanan.