NEW YORK (AP) – Napakarami nang celebrity ang nakatulong upang maisakatuparan ang tagumpay ng ice bucket challenge para sa ALS. At lahat sila ay may kani-kaniyang gimmick na plus factor din para mapagtuunan ng pansin ng publiko ang kampanya. Narito ang ilang halimbawa:

—Ini-spoof ng rocker na si Dave Grohl at ng banda niyang The Foo Fighters ang eksena sa pagbubuhos ng isang balde ng dugo mula sa classic horror movie na Carrie.

—Ginawa ng aktor na si James Franco ang kanyang ice bucket challenge na T-shirt lang ang suot.

—Hindi nagpadaig kay James Franco, iginiit ni Kermit the Frog na siya ang unang gumawa ng ice bucket challenge pero siya ay wala talagang saplot.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

—Pansamantalang kinalimutan ng Vogue editor na si Anna Wintour ang kanyang istriktong imahe at pinabayaang mabasa ang kanyang buhok, Kahit bahagya lang talaga.

—Si Tom Cruise, na never na tumanggi sa mga paghamon, ay hindi lang isang balde ng nagyeyelong tubig ang ibinuhos sa sarili kundi walo.

—Tinangka ni Gabrielle Union na gawin ang challenge habang suot ang shower cap upang protektahan ang kanyang buhok, pero may isang taong hindi nakita sa camera na humatak nito bago pa bumuhos sa kanya ang tubig.

—Ginawa rin ni Lindsay Lohan ang challenge at buong pag-aambisyong hinamon si Prince Harry na gawin din ito. Pero hanggang ngayon ay wala pang pahayag ang prinsipe.