SAN PEDRO CITY, Laguna – Isang 70-anyos na lalaki ang inaresto noong Huwebes ng gabi sa loob ng kanyang bahay dahil sa panggagahasa umano sa 15-anyos niyang apo ilang buwan na ang nakalilipas, sinabi kahapon ng pulisya.

Kinilala ni Supt. Fernando Ortega, hepe ng San Pedro City Police, ang dinakip na si Pepito Hermosilla, tricycle driver, tubong Irosin, Sorosgon, at residente ng No. 79 Sto. Niño Street, Barangay Sto. Niño sa lungsod na ito.

Bitbit ng mga pulis, sa pangunguna nina PO3 Omar Balmas at PO2 Edgardo Carandang, ang arrest warrant na ipinalabas ni San Pedro City Judge Sonia Yu-Casano nang salakayin nila ang bahay ng suspek bandang 7:00 ng gabi noong Huwebes.

Sinabi ni Balmas na batay sa police record, tatlong beses na hinalay ni Hermosilla ang sariling apo noong Mayo at Hunyo ng taong ito.- Ferdinand F. Castro

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget