Mga laro ngayon: (FilOil Flying V Arena)

12 p.m. Perpetual Help vs Lyceum (jrs/srs)

Maghihiwalay ng landas ngayon upang mapasakamay ang solong ikatlong puwesto ang University of Perpetual Help at Lyceum of the Philippines University (LPU) sa pagpapatuloy ng NCAA Season 90 basketball tournament sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Nasa 3-way tie sa kasalukuyan sa ikatlong posisyon na taglay ang barahang 5-4 (panalo-talo) kasama ang College of St. Benilde (CSB), magtutuos ang Altas at Pirates sa ganap na alas-2:00 ng hapon matapos ang salpukan ng kanilang juniors squads sa alas-12:00 ng tanghali.

Tatangkain ng Altas na maduplika ang kanilang naitalang 78-62 panalo kontra sa Pirates sa unang round na nagkataon na huli nilang panalo bago nasadlak sa dalawang dikit na kabiguan sa pagtatapos ng first round sa kamay ng defending champion San Beda College (SBC) at St. Benilde.

Hangad naman ng Pirates na makabangon mula sa nasabing kabiguan matapos ang kanilang panalo sa huling laro sa first round laban sa San Sebastian College (SSC).

Upang maulit ang nabanggit na panalo sa Pirates at makabalik sa winning track, kinakailangang mag-step-up up ang second team at mga taong ipapalit ni coach Aric at anak nitong si Lester del Rosario galing sa kanilang bench mula sa kanilang starters.

Makaraang maipanalo ang unang tatlong laro, natikman naman ng Altas ang magkakasunod na pagkatalo dahil sa walang makuhang suporta sa kanilang mga starter na sina leading MVP candidates Scottie Thompson at Harold Arboleda, Jong Baloria, Justine Alano at Joel Jolangcob mula sa kanilang second stringers.

Bunga nito, puwersado ang mga ito, partikular sina Thompson, Arboleda at Baloria, na maglaro ng halos kabuuang 40 minuto sa loob ng court na naging sanhi ng kanilang pagkapagod at paglugso sa endgame.

Sa kabilang dako, muli namang sasandigan ni coach Bonnie Tan ang kanyang mga beteranong sina Dexter Zamora, Shane Ko, Wilson Baltazar at ang rookie center na si Joseph para masimulan ang second round sa pamamagitan ng panalo.