TARLAC CITY— Isang 30-anyos na babae ang binugbog at pinaso ng sigarilyo ng kanyang nobyo sa lungsod na ito.

Itinago ang biktima sa pangalang Lengleng ng Block 6, Barangay San Nicolas, Tarlac City habang ang suspek ay kinilalang si Crisostomo Lagman, 51, U.S. Citizen, ng Barangay Sapang Maragul, Tarlac City.

Napag-alaman na unang nagkita ang dalawa noong Pebrero 13, 2013 at nagkaibigan.

Kamakalawa ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa dahil nais ng lalaki na hiwalayan ang babae na nauwi sa sigawan.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ayon sa report, nagmistulang karate fighter ang suspek at iniumpog ang ulo nito sa ulo ng biktima na pinaso pa ng sigarilyo sa pisngi at pinagbantaang papatayin.