Stanley Pringle during 2014 PBA Draft Combine

Pormalidad na lamang ang hinihintay para maging top pick ng 2014 PBA Annual Rookie Draft ang Fil-Am guard na si Stanley Pringle.

Bagamat may nauna silang pahayag ng pagdadalawang isip sa pagkuha kay Pringle, nakapagdesisyon na umano ng pamunuan ng Globalport Batang Pier, ang nagmamay-ari ng first pick sa darating na draft, na kunin ang priced rookie sa darating na Draft na gaganapin sa Robinson’s Place sa Manila sa Linggo (Agosto 24).

Batay na rin sa pinakahuling ulat mula sa kampo ng Batang Pier, ipinaunawa ng management kay Pringle ang alituntunin ng PBA hinggil sa pagpapasuweldo sa mga rookies at naunawaan naman daw ito ng huli kung kaya’t nagdesisyon ang Globalport na kunin na ito bilang top pick.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Nauna na umanong humihingi ng mataas na suweldo si Pringle na kapareho ng tinatanggap nito sa kanyang mga naging stint sa Europe.

“He understands it. We told him that there are rules in terms of salary. Of course, we understand him when he told us of his asking price because he’s been receiving such salary when he was playing in Europe but this is the PBA,” pahayag ni Globalport team manager BJ Manalo sa naunang pahayag nito sa panayam ng Interaktv.

Ang 27-anyos na si Pringle na may taas na 6-foot-1 ay hindi lamang naging standout sa Asean Basketball League dahil beterano na rin ito ng maraming liga na kanyang sinalihan sa Poland, Ukraine at Belgium.

Ang kanyang mga naging karanasan sa naturang liga at ang kanyang talento ang inaasahan ng Batang Pier na maibabahagi nito sa koponan na naghahangad ng mas mataas na performance ngayong 40th season makaraang magtapos na kulelat noong nakaraang taon.

Sa huli nitong paglalaro sa Indonesia Warriors sa ABL, nagtala si Pringle ng average na 18.6 points, 4.8 rebounds at 6.2 assists.