MONROVIA, Liberia (AP) — Nagdeklara ang pangulo ng Liberia ng curfew at inatasan ang security forces na i-quarantine ang isang slum na tahanan ng 50,000 mamamayan noong Martes ng gabi sa pagsisikap ng bansa na masupil ang pagkalat ng Ebola sa kabisera.

May 1,229 katao na ang namatay sa Ebola sa Guinea, Liberia, Sierra Leone at Nigeria sa kasalukuyang outbreak nito, at mahigit 2,240 ang nagkasakit, ayon sa World Health Organization. Ang pinakamabilis umakyat na bilang ng kaso ay naitala sa Liberia, na mayroon nang 466 na namatay.

Inanunsiyo ni Liberian President Ellen Johnson Sirleaf ang curfew na magkakabisa mula 9 pm hanggang 6 a.m. Titiyakin din ng security forces na walang nakalalabas at nakapapasok sa West Point, isang slum sa kabisera kung saan inatake ng mga galit na residente ang isang Ebola observation center nitong weekend.

“We have been unable to control the spread due to continued denials, cultural burying practices, disregard for the advice of health workers and disrespect for the warnings by the government,” aniya.

National

Hontiveros, walang nakitang blangko sa 2025 budget