Ipinangako ni Senador Francis “Chiz” Escudero na kokontrahin niya ang anumang hakbang para amyendahan ang 1987 Constitution, partikular ang mga plano na tanggalin ang anim na taong limitasyon sa termino ng presidente na magbibigay kay Pangulong Benigno S. Aquino III o sinumang nakaupong presidente, ng panibagong mandato.

“I won’t allow that to happen especially if they are particularly pushing for a term extension or removal of the term limit,” sabi ni Escudero.

Idinagdag ni Escudero na haharangin niya ang anumang hakbang na amyendahan ang Konstitusyon na magpapahina sa judicial power ng Korte Suprema.

Naniniwala umano si Escudero na ang mga usapin tungkol sa Charter Change ay maaaring isang “trial balloon” o isang pagtatangka upang ilihis ang mga kritisismo na nagsasabing ang Presidente ay isang “lame duck leader.”

National

Eastern Samar, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Ayon kay Senate President Franklin Drilon, isang haligi ng Liberal Party, wala pang posisyon ang partido tungkol sa Charter Change.

Sa kabila nito, sinabi niyang may sapat pang panahon upang amyendahan ang 1987 Constitution.

“I think we still have time. But that is speculation on my part. Our agreement with (House) Speaker (Feliciano) Belmonte is that once they have passed their proposed amendment in the House, we will work on it in the Senate, insofar as the phrase, `unless otherwise provided by law’ on the economic provisions of the Constitution,” aniya.

Siniguro naman ni Drilon na may built-in checks and balances sa proseso kaugnay ng pag-aamyenda ng mga probisyong pampulitika sa Konstitusyon. (Hannah L. Torregoza)