TARLAC CITY – Kalahating oras na walang kuryente ang ilang lugar sa Pampanga ngayong Huwebes, habang apat at kalahating oras naman ang power interruption sa isang sitio sa Tarlac City bukas, Agosto 22, 2014.

Inihayag ng Tarlac Electric, Inc. na mawawalan ng supply ng kuryente ang Sitio Pakilyo sa Barangay Care, Tarlac City mula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali, bunsod ng pagpapalit ng poste ng kuryente sa lugar.

Samantala, 12 oras naman ang mararanasang brownout sa ilang bahagi ng Pampanga ngayong Huwebes.

Ayon kay National Grid Corporation of the Philippines (NGCP)-Central Luzon Corporate Communication and Public Affairs Officer Ernest Lorenz Vidal, walang kuryente mula 6:00 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi ang mga consumer sa Mexico, Arayat, Magalang at Mabalacat City.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary