ILOILO CITY, Iloilo – Inilaan ang P98.4 milyon na pondo para sa pagtukoy sa mga hangganan ng mga barangay sa 25 bayan sa Western Visayas.

Sinabi ni Jim Sampulna, regional director ng Department of Environment and Natural Resources (DENR)- Region 6, na ang pondo ay bahagi ng National Expenditures Program (NEP).

Sa anim na lalawigan sa Western Visayas, aapat lang ang saklaw ng barangay boundary reestablishment program, na pinakamalaki ang sakop sa Negros Occidental sa kabuuang 12 bayan.

“We need to complete the boundary setting of these towns as it will help settle issues among barangays and the local governments as to the exact total land area that each actually possess,” paliwanag ni Sampulna. - Tara Yap

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya