Ipinagdiriwang ngayon ng Hungary ang kanilang St. Stephen’s Day. Pista opisyal ang araw na ito kung saan ginugunita ang paglilipat ng mga relic ni Stephen I, patron at tagapagtatag ng Kingdom of Hungary, sa lungsod ng Budapest, ang capital ng naturang bansa. Ginugunita rin sa araw na ito ang pagkakatatag sa Hungarian state. Noong 1771, nagpasa ng batas si Empress Maria Theresia na nagdedeklara sa araw na ito bilang opisyal na State at Church holiday.

Noong 1083, na-canonize ni Pope Gregory VII si Stephen, at mula noon tinagurian siyang Saint Stephen of Hungary. Nang alisin ang kanyang labi sa orihinal na libingan nito sa Szekesfehervar, natuklasang hindi nabubulok ang kanang kamay ni Saint Stephen. Hanggang sa kasalukuyan, nakalagak ang iniingatang relic na iyon ng Simbahang Katoliko.

Ang mga kasiyahan sa St. Stephen’s Day ay kinabibilangan ng fireworks, ang pagpuprusisyon ng kanang kamay ni St. Stephen sa paligid ng Basilica, mayroong archery at air shows, water parade, at pagpunta sa Court of St. Stephen na isang makasaysayang playhouse na popular sa mga pamilya. Ipinagdiriwang din sa araw na ito ang Festival of the New Bread na idinaraos sa mga lungsod at lalawigan ng naturang bansa. Ayon sa tradisyon, ang unang tinapay na mula sa bagong ani ay iniluluto sa araw na ito.

Binabati natin ang mga mamamayan at pamahalaan ng Hungary sa pangunguna nina Pangulong Janos Ader at Prime Minister Viktor Orban, sa okasyon ng kanilang St. Stephen’s Day.
National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists