Iminumungkahi ng dalawang mambabatas ang instalasyon ng solar panels sa mga pampublikong paaralan sa malalayong baryo at sityo na walang kuryente upang matulungan ang mga estudyante na makapag-aral nang husto.
Naghain sina Reps. Mariano Piamonte at Julieta Cortuna (Party-list, A TEACHER) ng House Bill 4715 alinsunod sa patakaran ng Estado na mapabuti ang kalidad ng edukasyon sa lahat ng lugar sa bansa, laluna sa malalayong lugar.